BILANG pagpapatibay sa misyon na palakasin ang presensiya ng atleta, nagdagdag ang Women’s National Basketball League (WNBL) ng mga manlalaro sa kanilang binuong executive committee.

“The WNBL is their league that is why if we want women empowerment, we must walk our talk — we must empower them,” ayon kay NBL-Pilipinas executive vice president Rhose Montreal.

Ang mga manlalarong napasama sa league executive committee ay ang kinatawan ng Parañaque na sina Allana Lim at AJ Gloriani; Dra. Fille Claudine Cainglet, Raiza Palmera-Dy, April Lualhati, Carol Sangalang, at Ays Hufanda ng Glutagence at sina Marichu Bacaro at Karla Manuel ng Taguig.

Kasama nila sa binuong committee sina Montreal, vice president for basketball operations Edward Aquino, ambassador Kiefer Ravena, 3×3 commissioner Haydee Ong, deputy commissioner Armando Guevarra at Girls Got Game founder Krizanne Ty.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tungkulin ng committee na bumuo ng mga panuntunang mangangalagasa aspeto ng seguridad sa venues, nararapat at tamang gawain ng mga manlalaro sa loob at labas ng hardcourt, makinig sa mga hinaing ng mga ito at magsagawa ng mga corporate social responsibility activities.

“The WNBL is just a platform but nobody will love this league and nurture it if not for the women who are part of it,” wika pa ni Montreal.

Samantala, magpupulong ang mga league at team owners sa susunod na linggo para pag usapan kung saan at kailan magsisimula ang unang season ng pinakaunang professional basketball league sa kababaihan. Marivic Awitan