ni JUN FABON
Patay ang isang71 anyos na babae nang ihampas sa kanya ang kanilang gate ng nakaalitang tricycle driver saQuezon City nitong Huwebes ng gabi.
Sa report ng QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang biktima ay nakilalang si Ofelia Balalayos Yuson, at taga-No. 4 Brunei Street, Upper Banlat, Tandang Sora, QuezonCity.
Kaagad namang nadakip ang suspek na si Mark Rodelson delos Santos, 25, at taga-Upper Banlat, Tandang Sora.
Sa pahayag ng isang testigo, nakita niya ang dalawa na nagtatalo bago maganap ang insidente hanggang sa bigla na lamang umanong ihampas ng suspek sa biktima ang kanilang gate na ikinabagok ng huli.