ni BELLA GAMOTEA
Isa umanong miyembro ng sindikato ng droga ang natimbog ng pulisya matapos masamsaman ng P267,920 halaga ng ilegal na droga at baril sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City, Biyernes ng madaling araw.
Kasong paglabg saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearm and Ammunitions Regulatory Act ang kakaharapin ng suspek na kinilalang si Rowel Chan, alyas Roel, 53, at taga-Bgy. Central Bicutan, Taguig City.
Sa police report, hindi na nakapalag ng suspek nang posasan ng mga pulis na binentahan nito ng pinaghihinalaang shabu.