ni Ariel Fernandez

Inaresto ng mga awtoridad ang isang Amerikano na wantedsa United States kaugnay ng kinasasangkutang kaso ng sexual abuse.

Kinilala ng Bureau of Immigration ang pugante na siMichael Dennis Hartsock, 71, na dinampot ng mga tauhan ngFugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Bgy.Ubojan, Loon, Bohol City, nitong Abril 14.

Paliwanag niFSU chief Bobby Raquepo, isinagawa nila ang operasyon sa tulong ngNational Bureau of Investigation (NBI) sa Bohol.

National

Sa gitna ng ethics complaint: Wilbert Lee, iginiit na walang intensyong manakit, mambully

“Hartsock is the subject of a 10-year old Warrant of Arrest issued by the San Joaquin County Superior Criminal Court in California,” sabi ni Raquepo.

Aniya, pinaghahanap ng mga awtoridad si Hartsock dahil sa kasong6 counts ng Sexual Contact with Minor.