Ni ADOR V. SALUTA

Wala siyang inuurungan, ganyan ang pagkakilala namin kay Marieta Subong, a.k.a. Pokwang, kapag ibino-voice out nito ang kanyang opinyon at saloobin sa kapwa at maging sa gobyerno.

Kilala rin si Pokwang na hindi namamahiya ng personal sa kanyang bashers gaya nitong pagbibigay niya ng saloobin tungkol sa pamamalakad ng ating pamahalaan sa giyera ng bansa sa Covid-19.

“Hanggang sumusunod ka sa batas at wala kang ginagawang ilegal sa batas ng tao, gobyerno at sa Dios wala ka dapat ikatakot woohooo,” sinabi niya sa Twitter

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Sa isa pang tweet, sey ng komedyana-host, “magkaiba po ang masunurin sa uto utong TANGA.”

Kanya ring sinagot ang ilan niyang bashers na hindi sumasang-ayon sa kanyang views.

Sa Twitter nitong Martes, kung saa’y tinatawag siyang, pangit, mukhang yaya o chaka, ang sagot ni Pokwang ay:

“halata mo mga BOBO kapag ang atake na sa opinyon mo ay personal nandyan ang tawagin kang pangit, chaka, etc. excuse me ang kapangitan ko ang nagpaganda sa buhay ng pamilya ko at mga nagtatrabaho sa aking negosyo na binubuhay ang pamilya nila na natulungan ng kapangitan ko e ikaw?”

Pinaaalahanan ni Pokwang ang madlang pipol na kahit sino, o artista man, lahat ay apektado ng lockdown. Gaya raw nitong huli niyang primetime series project sa ABS-CBN ang Make It With You, nakakapanghinayang na kinansela ang programa dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa halos buong sulok ng bansa.

Mabuti na lang na bago dumating ang Covid pandemic kasunod ng mga lockdown, hindi lang ang showbiz ang bread-and-butter ni Pokwang dahil kapartner niya sa kanilang home-made food products business ang kanyang asawang si Lee O’ Brian. Ang kanilang PokLee Food Products ay gumagawa ng iba’t ibang produkto gaya ng sili garlic aligue, garlic aligue, espesyal suka, gourmet tuyo, tinapa, strawberry jam, kimchi, at roast chicken as part of their product line. In fairness, nabibili na ang PokLee Products sa ilang groceries at bazars sa pamamagitan ng online selling