ni Nitz Miralles
TINUPAD ni Sharon Cuneta ang ipinangako sa in-adopt na aspin na pinangalanan niyang Pawi na bibigyan niya ito ng buhay na mala-prinsipe. Hindi agad inuwi ni Sharon ang bagong alaga, iniwan muna sa Olongapo para gamutin sa mga sakit at kapag magaling na, saka ihahatid sa kanya.

Habang wala pa sa kanya si Pawi, binilhan na niya ito ng Louis Vuitton collar na in-order pa ni Sharon sa Italy. Pinost nito sa kanyang Instagram ang LV collar at comment tuloy ng netizens, mabuti pa ang aso, makakapagsuot ng LV, samantalang sila walang pag-asang magka-LV. Hahaha!
Nakita ni Sharon si Pawi nang mag-shooting siya ng Viva Films movie na Revirginized sa Olongapo. Naaliw siya nang lumapit sa kanya ang aso at hindi na nawala sa kanyang isip, hanggang maisipang i-adopt na lang.
Marami ng aso sina Sharon at pangako nito, kapag nakalipat na sila sa ipinapagawang malaking bahay sa Cavite, mag-a-adopt pa siya ng maraming aspin