ni NITZ MIRALLES

 HINDI pa ibinibigay ng management ng GMANetwork ang request ng MiKel fans nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ang kanilang request na magkaroon ng Book 2 ang successful run ng The Lost Recipe na pinagbibidahan ng dalawa. Pinag-aaralan pa siguro ng management ang gagawin para sa sumisikat na love team. Sa March 31, na kasi magtatapos ang fantasy-romance series na airing sa GTV.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Pero, hindi naman pababayaang disappointed at nakanganga ang Mikel fans dahil may ibang projects silang ibinibigay kina Mikee at Kelvin. Nag-guest sila sa Wish Ko Lang, at maggi-guest sa All-Out Sundays sa Sunday na yata, March 21.

Isa pang regalo ng GMANetwork sa MiKel fans, magkakaroon ng marathon ang buong 53 episodes ng The Lost Recipe sa Holy Week. Kaya ‘yung viewers na may na-miss na episode, chance nilang mapanood ang na-miss nilang episode sa Holy Week.

Nagpapasalamat sina Mikee at Kelvin sa viewers na sumuporta sa The Lost Recipe at sa love team nila dahil kung wala raw ang suporta, hindi magiging successful ang first project nila at ang MiKel love team.