MAPAPANOOD na ang pinakahihintay na The Apprentice: ONE Championship Edition sa Asia premier sa Marso 18 sa AXN – ang opisyal broadcast partner ng ONE sa rehiyon – sa TV5 sa Pilipinas.

Naipalabas na ang ‘Director’s Cut’ trailer kung saan napasilip sa mga tagahanga ang ilang minutong mga tagpo na tiyak na pumukaw sa atensyon at pananabik ng MMA fans. Mapapanood ang trailer

sa https://youtu.be/kbM8x_ DvXoA

“This is a competition where only the strong survive. This is not your grandfather’s Apprentice,” pahayag ni ONE Championship Chairman and CEO Chatri Sityodtong.

Trending

Girlfriend, kinamuhian ng jowa dahil aksidenteng nalabhan ang relo nito

Naghihintay sa 16 na kalahok sa “The Apprentice: ONE Championship Edition” ang US $250,000 job offer sa pangangasiwa ni Sityodtong sa Singapore.

Kabilang sa mga naging panauhin sa reality show sina ONE Championship heavyweight champion Fil-Am Brandon “The Truth” Vera at “Super” Sage Northcutt. Nakibahagi rin ang mga negosyante at pamosong CEO na sina Anthony Tan ng Grab, Catcha Group CEO Patrick Grove, Zilingo CEO Ankiti Bose, at Philippine cross border digital and e-commerce payment firm QuadX CEO Dino Araneta.

May kabuuang 13 episodes ang ‘The Apprentice’ na ginawa ang kabuuan ng produksyon sa Singapore