TANUNGAN ang shippers nina Ivana Alawi at DJ Loonyo kung bakit muling in-unfollow ni Ivana ang nali-link sa kanyang si DJ Loonyo, walang paliwanag si Ivana, basta feel lang siguro niyang i-unfollow si DJ, kaya ‘wag nang magtanong.

dj loonyo

Kasunod nito, may short tweet si Ivana na ang sabi, “I will always remain humble because I know I could have less. I will always be grateful because I know i’ve had less. A Beautiful 2021 for all of us. Love you guys”

Dahil sa tweet na ito ni Ivana, mas lalo siyang minahal ng kanyang fans at nagagalit naman sila kay DJ Loonyo. Tinawag nilang user si DJ Loonyo at ipinapa-boycott. Nagalit pa ang fans sa sinabi raw ni DJ Loonyo na wala siyang dapat ipagpasalamat na kahit walang binanggit na pangalan, feeling ng fans sila ang tinukoy ni DJ Loonyo.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Sumagot si DJ Loonyo sa mga paratang sa kanya at ang sabi, “NEVER AT WALANG CHANCE NA LALABAS SA BIBIG, UTAK AT PUSO KO ANG MGA KATAGANG TO. BE CAREFUL. BASHERS ARE MANIPULATING OTHER PEOPLE TO HATE AND SPREAD FALSE ACCUSATIONS. THERE’S MORE INTO LIFE THAN THIS. CRUEL WORLD... LIGHT WILL PREVAIL.”

Pati ang paggagamit diumano niya kay Ivana para sumikat ay sinagot at nilinaw din ni DJ Loonyo. Bago pa raw sila na-link ni Ivana, may nililigawan na siyang non-showbiz girl at ang sa kanila ni Ivana ay prank lang nila sa mommy ng dalaga.

“Excuse me paisa lang mga kapatid, Bagong taon na, let’s raise our vibrations. 3 beses na ako nagclear out at nag-statement, 2 Kumuat Tim Yap Live. San ako nagkulang. Let’s check our hearts. Sana mabigay niyo sakin yung privacy na hinihingi ko, siguro deserve ko naman yun.”

Kaya lang, mukhang hindi ibibigay ng fans ang hinihinging privacy ni DJ Loonyo when it comes to his love life dahil patuloy silang nagpapahayag ng galit at tampo rito.

-Nitz Miralles