Isang opisyal ng pulisya na nakatalaga sa intelligence section ang binaril at napatay ng hindi kilalang mga lalaki na sakay ng motorsiklo sa harap ng alkalde ng bayan sa Reclamation area sa Barangay 1-Poblacion, Pontevedra, Negros Occidental nitong Martes.

Pinaslang si Staff Sgt. Ildefonso Casugod, 37, ng Barangay Recreo, nakatalaga sa Pontevedra Municipal Police Station.

Sinabi ni Capt. Hancel Lumandaz, hepe ng pulisya ng bayan, na nagbibisikleta si Casugod sa lugar nang makita niya si Mayor Jose Maria Alonso at nagpasyang lumapit sa alkalde. Gayunpaman, binaril siya ng isa sa dalawang salarin.

Kaagad na tumalas ang salari na nakasuot ng bonnet kasama driver ng motorsiklo.

National

Rastaman, kasama sa ‘nuisance candidates’ para sa 2025 midterm elections

Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa isang ospital habang ang alkalde, kasama ang kanyang bodyguard, ay hindi nasaktan.

Sinabi ni Lumandaz na tinitingnan nila na may kaugnayan sa trabaho ang posibleng motibo sa pag-atake dahil ang biktima ay naatasan upang manghuli ng mga personalidad sa droga, mga taong pinaghahanap ng batas, nagsusugal, at iba pang operasyon ng pulisya.

“Pinalaliman pa namin kung ba’t nangyari ang insidente kasi mabait, and masipag naman siya,” dagdag niya.

-Glazyl Masculino