INOPERAHAN pala si Heart Evangelista sa may chin area ng kanyang mukha, mahusay ang doctor na nag-opera sa kanya dahil hindi namin makita ang sinabi nitong stitches sa chin niya dala ng operasyon.

heart

Post ni Heart, “So had a minor operation today. Maybe stupid for some cause it’s so tiny but I’ve been so anxious about this “developing” cyst. Good thing it was nothing serious and I just wanna say thank you to @draivee @drztco @anngtirona @ xtiancarreon, Bryan, Camille, and Dr. Angeles for keeping me calm and really comforting me since the other day (all I did was cry).”

Naikuwento ni Heart sa kanyang post na sobra niyang ikinatakot ang magpa-opera lalo na sa kanyang mukha. “Since fez lak pa toh and again I’ve never done anything to my face-the horror that crosses my mind! The idea of getting stitches. Am so grateful to have doctors that make you feel loved. Aside from being an ambassador of a company it’s so important that you really feel you have family. Love you all.”

Pelikula

Vice Ganda, inihalintulad si Robredo sa kaniyang karakter: <b>‘Ikaw ang naging breadwinner nating lahat’</b>

And speaking of Heart, nainis at naawa ito sa gumagawa ng parol na hindi kinuha ang ipinagawang parol sa kanya worth P70,000. Nagtanong si Heart kung sino ang umorder at kung paano mahahanap ang umiyak na gumawa ng parol.

“Napipikon talaga ako! Hayop mga manloloko na ‘yan” na ikinagulat ng mga nakabasa dahil marunong daw pala siyang magmura.

Sagot ni Heart, ‘pag napikon- sa mga abusado. Pag galit-sa mga walang hiya. Pag

May inaapi na tao/helpless na aso. It all comes flying out of my mouth for 1 minute lang.”

Anyway, naalis na siguro ang inis at galit ni Heart sa nanloko sa parol maker dahil pinakyaw ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga parol at ginamit na dekorasyon sa mga barangay ng Manila. Binayaran nito ang nagastos ng parol maker at pinaiimbistigahan kung sino ang nag-order ng parol pagkatapos, hindi kinuha.

-NITZ MIRALLES