Kasalukuyang naka-isolate ngayon si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), nitong Miyerkules.
Mismong ang kalihim ang nagkumpirma sa mga mamamahayag at sinabi nahawa siya sa nakasalamuhang nagpositibo sa virus nitong nakaraang linggo.
Sumailalim aniya ito sa swab test nitong Linggo makaraang ma-expose sa nagpositibo sa sakit nitong Disyembre 2.
Aniya lumabas ang resulta ng kanyang swab test na positibo siya sa COVID-19 nito lamang Lunes (Disyembre 7).
Gayunman, asymptomatic o wala pa ring nararamdamang sintomas ng naturang sakit ang opisyal.
Isa si Lopez sa mga nadagdag na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpositibo sa virus.
Kabilang sa mga naunang nahawaan ng virus sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Ano, Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at Mark Villar, kalihim ng Department of Public Works ang Highways.
-Bella Gamotea