Naglunsad kamakalawa ang Pasay City Government ng online system para sa renewal ng business permits na magiging available din sa mga bagong magtatayo ng negosyo simula sa Enero 2021.
Tinawag na Pasay E-Business Go Live, ang naturang system o app, na dinisenyo para sa contactless processing ng permit upang maiwasan ang person-to-person transactions.
Ang e-business app ay ma-a-access sa https://eodbbusiness.pasay.gov.ph/Account/Login.
-Bella Gamotea