Patay ang dalawang anak ng isang lalaking umano’y nalulong sa alak nang sunugin nito ang kanilang bahay na ikinasugat din ng pamangkin nito sa Catarman, Northern Samar kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang dalawang anak na lalaki ni Fernando Ford Frigillana, 39, na may edad na 11 at 16.

Isinugod naman sa ospital ang lalaking pamangkin ni Frigillana na isang 13-anyos dahil sa mga paso sa katawan.

Sa imbestigasyon ni S/Sgt. Ronald Dente, ng Catarman Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen kaugnay ng nagaganap na sunog sa bahay ni Frigillana sa Bgy. Dalakit, dakong 4:30 ng madaling araw.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Sa hiwalay na pagsisiyasat ni SFO2 Ruben Calumpiano, natuklasang kumuha ng gasolina si Frigillana sa nakaparang motorsiklo na ginamit sa pagsilab sa kanilang bahay.

Halos kalahati ng bahay ang naabo kung saan natutulog ang dalawang anak nito, at pamangkin.

Sinabing pulisya, kasalukuyang sumasailalim sa rehabilitasyon si Frigillana kaugnay ng pagkalulong sa alak at nauna na rin kinasuhan dahil sa umano’y pambubugbog sa asawa nito.

Ito ang umano’y dahilan ng pag-iwan sa kanya ng misis nito, kasama ang pito sa kanilang siyam na anak.

Sinampahan na si Frigillana ng kasong arson.

-MARIE TONETTE MARTICIO