May bagong logo na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na sisimulang gamitin sa susunod na taon.
Sa ipinasilip na bagong logo ng BSP ay makikitang ginamit pa rin nila ang Philippine Eagle ngunit buo na ang larawan nito na kulay gold.
Inspirasyon umano sa bagong logo ay hango sa mga wildlife photographs ng aktuwal na Philippine Eagles.
Bukod dito, makikita rin ang tatlong bituin sa ibabaw ng agila.
Ayon sa BSP, ang paggamit pa rin ng agila sa bagong logo ay hindi lang layuning katawanin ang kanilang tanggapan, kundi maging ang sambayanang Filipino.
Sisimulan umano ng BSP na gamitin ito sa Enero 2021.
-Mary Ann Santiago