Isinantabi ng Department of Education (DepEd) nitong Martes ang mga panawagan para sa isang “academic freeze” dahil sa sunud-sunod na mga bagyo na tumama sa bansa.
“Hindi na po siguro mangyayari ito (This is unlikely to happen),” sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali sa panayam ng Teleradyo.
Sa halip na ito, nagpatupad ang DepEd ng academic ease measure upang tulungan ang mga guro at mag-aaral na apektado ng bagyo.
“Wala nagka-academic freeze dahil palagay po namin ito ang tamang polisiya, ang magpatuloy. At nakikita po natin with the latest issuance ay maging flexible na lang tayo,” paliwanag niya.
Sa ilalim ng academic ease ng ahensya, nabanggit ni Umali na ang mga mag-aaral ay binibigyan ng flexible na oras upang isumite ang kanilang school requirements.
Klase sa Marikina, sa Enero pa Posibleng sa Enero 2021 pa muling magpatuloy ang klase sa Marikina City, kasunod ng matinding pinsalang hatid ng bagyong Ulysses sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, suspendido ng isang buwan ang klase sa lahat ng antas, sa pampubliko at pampribadong paaralan, sa lungsod upang bigyang-daan ang rehabilitasyon.
-RAYMUND ANTONIO at MARY ANN SANTIAGO