Tapos na ang “worst” sa simulang pagbawi ng lokal na ekonomiya mula sa epekto ng coronavirus pandemic, idineklara ng Malacañang nitong Martes.

Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, nagsimula nang humupa ang paghina ng ekonomiya matapos maitala ang gross domestic product (GDP) na 11.5 percent contraction sa ikatlong quarter ng taon, mula sa 16.9 porsyento sa nakaraang quarter.

“Siyempre po ‘yan ay malungkot pa ring balita pero ‘yan ay improvement doon sa 16.5 sa pagbaba ng ekonomiya noong second quarter,” aniya sa televised press briefing.

“So nagre-recover na po ang ating ekonomiya from an all-time low of 16.9 I stand corrected, 16.9 pala ang contraction ng ating ekonomiya, ngayon po naging negative 11.5 so bahagyang umangat na po ang ating ekonomiya. Nagpapatunay po na the worst is over,” dagdag niya.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Iniulat ng Philippine Statistics Authority na ang construction, real estate, at manufacturing ang may pinakamaliit na kontribusyon sa GDP. Samantala ang financial at insurance activities, public administration at defense, compulsory social activities gayundin ang agriculture, forestry at fishing, ang nagposte ng positibong paglago.

-GENALYN KABILING