Itinanggi ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang isang quote o pahayag na lumaganap sa online na handa siya maging Pangulo dahil umano “nababalutan ng kadiliman ang bansa.”

“It’s not true that the vice President said that the Philippines is ‘enveloped in darkness’ that’s why she’s ready to become the president of the country. The fake news post also does not mention when and where this was said,” ayon sa administrador sa Facebook page ni Robredo.

“Darkness is enveloping the Philippines. Let us bring back the vigor of every citizen. I am ready to become a president of the Philippines,” ang bahagi ng viral na pekeng pahayag ni Robredo.

Dahil dito, nagbabala ang Facebook page administrator ni Robredo na kailangang mag-ingat ang publiko sa kanilang binabasa sa social media at i-report agad ang mga fake news, lalo na ngayong may krisis kung kaya ang kailangan ay tamang impormasyon.

National

Rep. Edgar Erice, tiwalang malakas na pantapat si Mayor Leni vs VP Sara!

Matatandaang naging biktima na ng pekeng quotes si Robredo, kasama ang ilan pang miyembro ng oposisyon, kamakailan.

Bumagsak ang approval at trust ratings ni Robredo sa huling Pulse Asia survey nang 57% at 50%, ayon sa pagkakasunod, na ayon sa kanyang kampo ay bunsod ng walang humpay na dis-impormasyon at mis-impormasyon na ikinakalat sa online laban sa Vice President.

-BERT DE GUZMAN