Walang ipaiiral na pagtaas ng pamasahe sa mga public utility vehicles (PUVs).

Ito ang paglilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod na rin ng pagpapahintulot nilang mamasada sa karagdagang 2,768 na PUV, karamihan ay jeepney at UV express vehicles simula kahapon, Oktubre 25.

Sa pahayag ng LTFRB, pinayagan nilang bumiyahe ang mga ito batay na rin sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang Operation Plan (OPLAN) AIR (Add routes / PUVs, Increase speed / capacity, Reduce travel time).

Paglilinaw pa ng LTRFB, alinsunod din ito sa desisyon ni Panguong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng Gabinete nito aprubahan na ang rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) upang makatulong sa panunumbalik ng ekonomiya ng bansa.

Probinsya

Binatilyong nanonood ng liga, patay matapos makuryente sa poste ng basketball ring

-ELLALYN DE VERA-RUIZ