Inaresto ng mga awtoridad ang isang miyembro ng Philippine Air Force (PAF) matapos umanong gahasain ang isang dalaga sa loob ng isang hotel sa Taguig City, kamakailan.

Kinilala ng Taguig City Police ang suspek na si Airman 1st Class (A1C) Mark Ivan Venerayan, 28, binata at taga-Barangay Tongko, Tayabas City, Quezon.

Isinagawa ang pag-aresto matapos magsampa ng kasong panggagahasa ang biktimang si Ellah (hindi tunay na pangalan), 22, isang swabber at taga-Caloocan City.

Sa naantalang ulat ni Corporal Maribel Falitnang, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa isang hotel na nasa 13th Street, 11th Avenue, Bonifacio Global City, Bgy. Fort Bonifacio, nitong Biyernes, dakong 5:00 ng madaling araw.

Probinsya

Binatilyong nanonood ng liga, patay matapos makuryente sa poste ng basketball ring

Sinabi ng pulisya na bago ang insidente, nag-inuman umano ang mga ito sa lugar, kasama ang mga kaibigan, nitong gabi ng Oktibre 22 hanggang madaling araw ng Oktubre 23.

Nang makaalis ang mga kaibigan ng biktima, naiwan ang dalaga dahil may kausap pa umano ito sa kanyang cellphone at pagkatapos ay nagtungo sa palikuran upang manigarilyo.

Paglabas umano ng biktima sa comfort room ay agad na umano itong ginahasa ng suspek.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa kalapit na presinto na nagresulta sa pagkakaaresto ni Venerayan na nahaharap sa kasong panggagahasa.

-Bella Gamotea