GINULAT kami sa pagti-TikTok ng action star Gardo Versoza. Sobrang nakakaaliw at mapapasunod ka sa pagti-TikTok. Ang ganda rin ng choice of music na maharot pero hindi offensive.

Laging may sorpresa si Gardo sa dance video. Gumigiling siya na naka-high heels at maging ang pole dancing ay kinarir ni Machete.

Sa next TikTok challenge baka mag-ala Channing Tatum na biglang tinanggal ang pantalon. Remember Magic Mike?

Enjoy ang netizens na pawang papuri ang ipinukol kay Gardo. Walang bashings kaming nabasa. Sana dumating ang panahon na mamalas sa giant screen ang bagong kinagigiliwang libangan ni Gardo. Ikaw na nga ang dapat bansagang Tiktok king.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Remy Umerez