Iginiit ni Sen. Francis Pangilinan na ang ginawang pahayag ni Vice President Leni Robredo ay solusyon sa kasalukuyang problemang kinakaharap ng bansa at hindi naman ito nagdudulot ng pagkawatak-watak o kaguluhan.

“Hindi ito ‘destroying the government’. Nagbibigay siya ng solusyon dahil palpak ang pamahalaan. Nagbibigay siya ng solusyon dahil napakarami pa lalo ngayon ang nagkakasakit at milyon na ang nawawalan ng trabaho,” ani Pangilinan.

Ang pahayag ni Pangilinan ay tugon na sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinisira ng VP ang bansa na sabihin nito ang mga posibleng solusyon.

-Leonel Abasola
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso