Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na may 440 private schools ang pansamantalang nagtigil ng kanilang operasyon ngayong School Year 2020-2021 dahil sa kakaunting enrollees.

Batay sa datos ng DepEd, ang naturang bilang ay mula sa may kabuuang 14,435 private schools sa bansa.

Ang Central Luzon ang may pinakamaraming bilang ng mga pribadong paaralan na nagsuspinde ng kanilang operasyon na umabot sa 88;

sumunod ang Calabarzon, 67, at National Capital Region (NCR), 54.

Probinsya

Binatilyong nanonood ng liga, patay matapos makuryente sa poste ng basketball ring

Sinabi na ng DepEd na kaunti ang mga estudyanteng nagpa-enroll sa private schools matapos na maapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang kita ng kani-kanilang pamilya.

Sa tala ng DepEd, hanggang nitong Lunes ay nasa 1.7 milyong estudyante ang nag-enroll sa private schools, katumbas ng 41.47% ng 4.3-M estudyante na pumasok sa mga pribadong paaralan noong nakaraang taon.

Umabot naman sa 398,010 ang mga estudyante sa private school na lumipat sa public schools hanggang nitong Lunes.

-Mary Ann Santiago