HINDI natuloy ang launching ng The Vice Ganda Network ni Vice Ganda nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 24 dahil hindi kinaya ang nasabing website ang dami ng nagpa-rehistro.

vice

Ang Gabing-Gabi na Vice at isang game show ang dapat na mapapanood sa TVGN pero dahil mahigit 100,000 ang nagpa-rehistro ay nag-crash, base na rin sa sabi ng TV host/vlogger.

Tweet ni Vice, “Crash is real! I’m so sorry.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“Di kineri ng website ang powers nyo! Ayun nag Crash Landing on You ang site ni betle!!! Sorry we decided to cancel and reschedule the #TheViceGandaNetworkLaunch.

Nangako si Vice na kaagad nilang ia-anunsyo kung kailan magiging okay na at excited pa naman siya dahil ang unang guests niya sa Gabing-Gabi Na Vice ay sina Bea Alonzo at Angel Locsin.

Pasok din ang Gold Squad ng seryeng Kadenang Ginto na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin para sa game show.

Say pa ni Vice, “Sa inyong lahat na nag-abang, nagtyaga at sumuporta ngayong gabi Maraming maraming salamat. I am very sorry for the inconvenience.

“Babawi si Meme pramis!!! Love you guys! Love you Madlang people! Love you my Little Ponies!

“Pasensya na talaga!!!! Babawi kami ng extra chugug pramis!!!! Love you guys!

“Sayang pinaghandaan ko pa naman ng pangmalakasang blush on to si Andrea At Francine!!! heheh!!! Super thanks sa Gold Squad ha for ur patience. Bawi si meme next time.

“Super thanks kay Angel at Bea also!!! Pasensya na mga zizzzdt ha! Love u!”

At kahit hindi natuloy ay binati ni Angel si Vice sa IG, “Before I sleep, let me congratulate @praybeytbenjamin for #TheViceGandaNetworkLaunch. Hindi kinaya ng internet ang excitement ng tao sayo. Buti pajama ang theme natin at diretso sleep na ako, lol.”

-Reggee Bonoan