SA Agosto na ang relaunch ng TV5 base sa nakuha naming impormasyon na dapat sana ay nitong Hulyo pero hindi natuloy dahil hindi pa tapos mag-pitch ng mga programa nila ang ilang producers.

Ang nakuha naming tsika ay dalawang programa ang pasok na produce ng APT Entertainment, si Jose Manalo ang host ng Fill in the Banks na mapapanood tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 7PM; sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros naman ang hosts sa Bawal na Game Show tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, 7PM.

Sa madaling salita ay nakuha ng APT Entertainment ang primetime slot ng TV5 sa gabi.

Susundan naman ng Bangon Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo ng Sabado, 8PM na co-produce ng TV5 at IdeaFirst Company.

Tsika at Intriga

Vice Ganda, may naisip na dapat gawin ng gobyerno kung 'di itataas suweldo

Mayroon ding Fit for Life ng Sabado, 10:30AM at ang programang Idol in Action ni Raffy Tulfo mula Lunes hanggang Biyernes ng 11AM – 12:30PM.

Kaya pala hindi pa makapag-relaunch dahil marami pang bakanteng oras na kailangang punuin.

Mukhang malabo na talaga makabalik pa ang PBA dahil ang oras na 7PM ay ibinigay na nila sa ibang programa.

-REGGEE BONOAN