NEGATIBO ang resulta ng COVID-19 test sa mga miyembro ng PBA teams TNT KaTropa, Meralco Bolts at NLEX Road Warriors.

Bunsod nito, umabot na sa anim na koponan sa PBA ang nag-negatibo sa COVID-19 test.

Ang TNT ang pinakahuling MVP team na pumailalim sa testing at nakuha nila ang resulta kamakailan lamang.

"All are negative," pahayag ni team manager Gabby Cui.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nauna rito, sumailalim din ang tatlong koponan ng San Miguel Corporation na San Miguel Beermen, Barangay Ginebra at Magnolia sa COVID-19 testing sa SMC Complex sa Ortigas Center sa Mandaluyong City.

Lahat sila ay nag negatibo rin sa coronavirus. MARIVIC AWITAN