TRULILI kaya na kinausap ng production staff ng kilalang programa ang contestant na gumawa ng isyu para pag-usapan ang segment nila?

Tsika sa amin ng nakarinig, “ang narinig kong usapan nina (contestant) at ni (production staff) kunwari aminin na may isyu sila ni aktres) para raw umingay. Tapos nagtawanan na sila.”

Hindi namin ma-gets ang tsikang kailangang gumawa ng ingay, e, maingay naman na noon pa ang programa.

Sa madaling salita, lahat ng tsinika ng mga naging contestant ay waley pala?

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Basta narinig ko ‘yung usapan nila, hindi ko na alam ano ending,” sabi pa ng nakaranig na nasa programa.

Kaya naman pala tumatalak ang aktres na ginawan ng isyu dahil hindi totoo. At talagang pumayag ang contestant sa usapan nila ng production staff na ‘gumawa ng isyu’ para umingay ang show?

Baka naman prank lang ito? Hindi namin napanood ang show kaya hindi namin alam kung seryoso ang contestant o hindi.

-Reggee Bonoan