Pinupuring lahat ang professionalism na ipinakita ni Kim Chiu na dumiretso pa rin sa taping ng serye niyang Love Thy Woman sa kabila ng pinagdaanan niyang ambush attempt last Wednesday morning.

Sa social media may mga nakagawa na ng mga reactions na tiyak na mangingiti si @chinitaprincess kapag nabasa ito.

“From now on Kim Chiu will be the gold standard of professionalism and the most hated person by Pinoy workers:

Manager: Aabsent ka dahil may lagnat ka? Si Kim Chiu nga in-ambush pumasok pa!!!

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Manager: Huh? Late ka dahil na-traffic ka? Si Kim Chiu in-ambush pumasok on time!!!

Manager: Magli-leave ka dahil birthday ng anak mo? Si Kim Chiu nga muntik na hindi umabot sa next birthday niya dahil na-ambush, pumasok pa!!!”

At marami pang iba-ibang kuwento.

-NORA V. CALDERON