BROKENHEARTED ang tisay na aktres dahil hiwalay na sila ng tigasing boyfriend niya na habulin ng mga babae.

Kuwento ng aming source, “si (boyfriend) maraming babae pero may isa siyang pinakamamahal. E, ito si (tisay na aktres) akala niya sila na kasi in fairness mahal naman talaga siya, naging malalim ang samahan nila. So akala niya hihiwalay ni (boyfriend) ‘yung girl na lagi niyang pinupuntahan, e, hindi nangyari. Pinapili ni (tisay na aktres) si (boyfriend) kung sino ang mahal, ending mas ‘yung isa. Hayun, naghiwalay na sila, ngalngal na naman lola mo.”

Bagama’t broken hearted ang tisay na aktres ay hindi halata dahil kapag kaharap niya ang mga ka-trabaho niya ay masaya naman at maraming kuwento, pero kapag nag-iisa na, doon na siya nag-iiyak at idinadaan sa pagkanta-kanta kasama ang mga kaibigan.

Mabuti na lang at maraming offers ang tisay na aktres kaya hindi siya nawawalan ng work at dinig nga namin ay leading lady siya ng aktor na nagbabalik showbiz para sa malaking project.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Bakit ba itong si tisay na aktres ay hindi pa natatagpuan ang kanyang The One? Ilang beses na siyang sumubok at gusto na rin niyang magsuot ng wedding gown pero wala pa ang groom. Ano kaya kulang sa kaya o baka naman nasobrahan sa kung anuman.

Anyway, mabait naman siya at marunong sa bahay na bihira ngayon sa mga ar t i s ta, sana matagpuan na niya ang The One.

-Reggee Bonoan