Hindi namin alam kung nairita o hindi nagustuhan ng TV executive na tinanungan namin tungkol sa nalathalang cast na kasama sa malaking project na binubuo nila.

Usually kasi kapag nagtatanong kami sa TV executive tungkol sa mga bagay-bagay na puwede nang isulat ay kaagad kaming sinasagot at kung hindi pa puwedeng ilabas ay nagsasabi ng “off the record.”

Sa huling tanong namin tungkol sa major cast ng malaking proyekto na nasulat kamakailan ay hindi kami sinagot, na ibig sabihin ay hindi pa siguro ito puwedeng ilabas pero may naglabas.

Balita kasi namin ay surprise sana ang buong cast ng malaking project na ito at may perfect timing kung kailan ito iaanunsyo, kaso nag-leak na.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Ang pangalang lumabas ay importante ang role sa big project na ito, pero sa kabilang banda parang hindi rin naman nagma-matter dahil hindi rin naman kalakihan ang exposure maliban na lang kung binago ang script.

Pinakaaabangan ay kung sino pa ang ibang cast ng malaking proyektong ito.

-REGGEE BONOAN