Nagdaos ang International Fund for Agricultural Development (IFAD) ng apat na araw na pagsusuri sa mga programang ipinatupad sa Pilipinas para matukoy kung saan pagtutuunan at pagbubutihan ang pag-aayuda sa mga magsasaka at mga taganayon.

Nagtipun-tipon ang tagapagtaguyod ng pagsasaka mula sa gobyerno at sa sektor ng di-gobyerno nitong Pebrero 3 hanggang 6 sa Davao City para masuri ang ang implementasyon ng 2017-2022 Country Strategic Opportunities Program, na nagkakaloob sa gobyerno ng Pilipinas ng mga suhestyon para mabawasan ang kahirapan sa kanayunan, at para madebelop ng mga pambansang polisiya at lumikom ng malaki at masusukat na mga benepisyo.

Ang pagsusuri sa programa ng bansa ay nakaangkla sa temang, “Strengthening IFAD-Philippines country program delivery systems in support of competitive, inclusive and resilient agrifood value chains.”

Sa pagsusuri sa progama, tinaya ng mga kalahok ang pagsasakatuparan ng bansa sa mga programa noong 2019, kinilala ang mga hamon sa pagpapatakbo at mga solusyon.

Inasahan ding magrerekomenda ang mga kalahok ng kongkretong mga aksiyon para mapabuti ang pagganap, lalo na sa mga larangan ng priority interventions, effective management tools, at knowledge management.

Binanggit ni Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary Bernie Cruz na ang Convergence on Value-Chain Enhancement for Rural Growth and Empowerment (ConVERGE), isang proyekto na pinondohan ng IFAD, ay sumusulong na sa Pilipinas.

Ang IFADay isang dalubhasan ahensiya ng United Nations na nakatuon upang puksain ang kahirapan sa kanayunan sa mga umuunland na bansa.

“Project ConVERGE aims to reduce poverty by promoting sustainable livelihoods for farmers of abaca, rice, coco coir and coffee. So far, more than 100,000 households are now benefitting from the farm-to-market roads, post-harvest facilities and potable water systems the project has implemented in Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula and Caraga region,” ani Cruz.

Ang programa, ipinatutupad ng DAR, ay naglalayong paganahin ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo,

mga kooperatiba ng agraryo at mga pamayanan ng repormang agraryo upang maging lubos na produktibo at mapagkumpitensya na mga tagagawa at negosyante.

“We aim to succeed in empowering farmers with knowledge, infrastructure, and other support services to uplift their living condition,” dagdag pa ni Cruz.

-Ellalyn De Vera-Ruiz