May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Gaano kamahal, kahirap makapasok sa top universities ng Pinas?

ALAMIN: Gaano kamahal, kahirap makapasok sa top universities ng Pinas?
Photo courtesy: Ateneo De Manila University (website), University of the Philippines (website), De La Salle University (FB), Mapua University (website) The Varsitarian (website), MSU-Iligan Institute of Technology (website)

Muling nanguna ang Ateneo De Manila University sa mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa World University Rankings.

Ito na ang ikatlong magkakasunod na pagpasok ng Ateneo sa nasabing world ranking kung saan ito ang nakakuha ng pinakamataas na puwesto mula sa mga unibersidad sa Pilipinas

batay sa inilabas na ranking ng Top Higher Education noong Miyerkules, Oktubre 9, 2024. Pasok ang Ateneo sa overall world ranking na nasa rank 1001-1200.

Pasok din ang University of the Philippines sa naturang world ranking na nasa 1201-1500. Nasa ranking din ng 1500+ ang De La Salle University, Mapua University, Mindanao State University-Iligan State University at University of Santo Tomas.

Maraming kabataan ang nangangarap na makapag-aral sa anim na prestihiyosong paaralang nabanggit. Kaya naman narito ang ilang mga impormasyon kung gaano nga ba kamahal at kahirap pasukin ang mga ito?

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Ateneo De Manila University

Hindi lang sa larangan ng isports nakikipag-sabayan ang Ateneo, maging sa usapin din ng akademiko ay may sinasabi ang paaralan. Sa mga na-aasam na maging tatak Blue Eagle kinakailangan munang maipasa ang tinatawag nilang Ateneo College Entrance Test (ACET). Walang inilalabas na opisyal na passing rate ang unibersidad ngunit may iilan ding hindi pinapalad sa nasabing pagsusulit.

Eh, magkano naman kaya ang matrikula ng isang Atenista?

Ayon sa official website ng paaralan, tinatayang nasa ₱104,420 ang tuition fee ng undergraduate programs dito per semester. Hindi naman tukoy sa website ang matrikula ng bawat undergraduate program.

University of the Philippines

Nais mo bang maging “Isko o Iska ng Bayan?” Kung gayon, kailangan mo munang maipasa ang pangmalakasang “UPCAT” ng UP. Ang University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) ay taunang admission exam ng UP upang masala nila ang lahat ng libo-libong aplikanteng nag-aasam makakuha ng slot sa unibersidad. Tila, ito nga rin ang itinuturing na first heartbroken ng college students dahil sa mailap na passing result nito.

Libre nga lang ba ang UP?

Ayon sa official website ng UP nasa ₱1,500 per unit ang tuition fee dito at tinatayang nasa ₱30+ k pataas ang kabuoang fees per semester.

Akala ko ba libre?

Bilang isang State University, maraming inilalaang discounts at scholarship ang UP na nakadepende sa socio-economic status ng isang estudyante, sa academic performance at loans and allowances na maaaring maibigay nito depende sa kaukulang requirements.

De La Salle University

‘Ika nga nila, kapag may Ateneo, hindi puwedeng mawala ang La Salle. Katulad ng karaniwan, mayroon ding tinatawag na De La Salle University College Entrance Test (DLSUCET) upang magbukas ang pinto na makapasok at magkaroon ng slot dito.

Magkano naman kaya ang tuition fee ng isang Green Archer?

Nakasaad sa official website ng DLSU na nasa ₱4,000+ per unit ang kanilang matrikula na nahahati sa tatlong semestre bilang ang La Salle ay trimester na institusyon.

Mapua University

Kilala ang Mapua University sa mga technical courses ngunit may ilang undergraduate programs din dito. Tinatayang nasa ₱30k pataas ang matrikula sa Mapua na nauna ring makilala bilang kaisa-isang paaralan sa bansa na mayroong apat na semestre sa isang taon.

Sa kasalukuyan, isa rin ang Mapua sa hanggang ngayon ay kilala sa pagkakaroon ng full online classes na maaaring kunin ng regular students.

Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

Nakikipagsabayan na rin ang Mindanao State University sa mga tanyag na unibersidad sa bansa. Katunayan, sa MSU din nanggaling ilang topnotchers sa Licensure Examination for Teachers (LET) ngayong 2024.

Sa usapin ng matrikula, ayon sa official website nito, tinatayang hindi tataas sa ₱9,000 ang tuition fee dito kung saan nasa ₱100 to ₱300 lamang ang per units nito.

University of Santo Tomas

Kung nais mo namang makapasok sa isa pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas, kailangan mo munang maipasa ang University of Santo Tomas Entrance Test (USTET). Ang UST ang pinakamatandang paaralan sa bansa na hanggang ngayon ay nananatiling isa sa prestihiyosong unibersidad dahil sa pakikipagsabayan nito sa undergraduate programs at collegiate athletics. Ayon sa UST website, nasa ₱50,000 hanggang ₱60,000 ang tuition fees nito per semester.

Kaya naman ngayon pa lang, paghandaan mo na ang pagtungtong mo sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagsusuri at pagtatanong-tanong sa mga requirements at tuition fees nila. Ikaw, ano bang dream school mo?

Kate Garcia