May 25, 2026

Home BALITA Eleksyon

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao

'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao
photos courtesy: Benhur Abalos

Humahanga 'di umano si dating DILG secretary Benhur Abalos kay dating Senador Manny Pacquiao, na pawang tatakbo sa 2025 midterm elections. 

Sa isang social media post ni Abalos nitong Miyerkules, Oktubre 9, makikita ang larawan nina Abalos at Pacquiao.

"Kasama ang People’s Champ Manny Pacquiao, alam kong hindi ako nag-iisa sa laban para sa bayan. Ako'y humahanga sa puso niya para sa Masang Pilipino at sa kanyang walang sawang pagsisikap na mapabuti ang buhay ng bawat isa," saad ni Abalos. 

Dagdag pa niya, "Sa ating pagtutulungan, naniniwala akong mas mabilis nating maaabot ang pangarap para sa isang #BagongPilipinas. Para sa bayan, tuloy ang laban!"

Matatandaang kasama sila sa line-up ng senatorial candidates na ineendorso ng administrasyong Marcos sa darating na eleksyon.

Eleksyon

VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028

BASAHIN: PBBM, ipinakilala mga kaalyansang senatorial candidates para sa 'Bagong Pilipinas'

Kaugnay na Balita: Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla