July 08, 2026

Home BALITA National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Northern Samar nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:53 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 117 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Mapanas, Northern Samar, na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

National

Sen. Padilla, inurirat testigo tungkol sa orihinal na nag-record ng pagbabanta ni VP Sara