May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?

Car owner hinahanting; tinakbuhan daw ₱1,826 na bill sa gasolinahan?
Photo courtesy: Freepik/Allan Depilo (FB)

Viral ang Facebook post ng isang netizen matapos niyang manawagan sa isang car owner na umano'y tinakbuhan at hindi raw nagbayad sa ipinakargang gas sa isang gasoline station.

Saad sa FB post ni Allan Depilo, umabot sa ₱1,826 ang bill ng ipina-gas ng nabanggit na motorista, na sinerbisyuhan naman ng kaniyang amang nasa 45 taon nang gasoline boy sa nabanggit na gasolinahan.

Sinabi umano ng car owner na magbabayad siya sa pamamagitan ng money transfer subalit bigla na lamang itong sumibad nang hindi pa nagbabayad.

Umaapela si Depilo na sana raw ay magbayad ang car owner dahil aabonohan ng kaniyang ama ang bill nito.

"To the person who owns this car TOYOTA VIOS BLACK with a plate number DBM3497. Please!" mababasa sa kaniyang Facebook post.

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Sa pagpapatuloy, "My father doesn't deserve this for him to pay your gas worth P 1,826. If you have credibility and a good heart please go back to Caltex Merville and pay your gas. His salary is enough for our needs."

"Imagine He works so much for a small amount of money then tatakbuhan mo pa sya Sa halagang 1,800. I know na Di mo ugali na manakbo pero SANA MAAWA KA SA TATAY KO NA NAGTRATRABAHO NG MARANGAL AT MAAYOS."

"In his 45 years working in Caltex Merville. He never had any issues with his work, especially with the money. Kaya SANA pakibayaran ito cause if not I will make an legal action regarding sa matter na ito. Thank you."

"At this time nakikiusap ako Ng MAAYOS, MAY PINAG-ARALAN AT MAHINAHON."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Depilo, sinabi niyang tukoy na nila kung sino ang may-ari ng kotse at nakikipag-ugnayan na lamang sa Land Transportation Office (LTO) para sa i-verify ito.

Inabonohan na raw ng kaniyang tatay ang bill.

"Inabonohan na po ng tatay ko dahil sa hindi nila ma-settle ang end of sales nila kapag may negative sa sales nila through Maya," saad ni Depilo.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa (reactions, shares)

Samantala, bukas naman ang Balita sa panig ng car owner.