Hindi nahiyang aminin ni McCoy De Leon na binasted siya ni Miles Ocampo.

mILES Cast ng D'Ninang

Matatandaang na-link ang binata sa dalaga nang mag-guest siya sa Home Sweetie Home noong Setyembre 11, 2019 at napansin naming kinikilig si McCoy at nang mag-guest naman siya sa Tonight with Boy Abunda ay natanong siya kung may relasyon siya kay Miles at mabilis niyang sinagot ng, “Siguro Tito Boy, wala pa.” At nabanggit din na kung magkakaroon siya ng girlfriend sana ay ang dalaga nga.

At nitong Miyerkules ng gabi pagkatapos ng presscon ng pelikulang D’ Ninang ni Ai Ai de las Alas ay inamin ng aktor ang resulta ng panliligaw niya kay Miles.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Binasted po niya (Miles) ako bilang lalaki sasagutin ko, iyon naman po ang tamang word. Haharapin ko, first time, okay lang pero hindi po ako nanligaw na dumating sa seryoso, nagpakita lang ako ng motibo,” seryosong sagot ni McCoy.

Nabanggit din ng binata na sobra ang respeto niya kay Miles na hindi niya mabanggit ang pangalan.

“Kasi hindi kasi siya ganu’n klaseng babae. Hindi naman kami umabot sa seryosong-seryoso. Siguro timing din po ni God na okay lang din po ‘yung ganu’n, hindi talaga ibibigay at ang importante na nandoon kami sa okay kami,” paliwanag mabuti ni McCoy.

No boyfriend since birth si Miles kaya siguro hindi pa siya handang magka-boyfriend samantalang si McCoy ay nagkaroon na ng karelasyon, si Elisse Joson.

“Kaya nga po respeto ko ang nangingibabaw kasi kahit bali-baliktarin natin at kung ganu’n siya wala namang problema. At saka sa mga interview niya, magaganda naman po ang mga sinasabi niya sa akin at same lang (kami),”pahayag ng aktor.

As of now ay karera at pamilya muna ang pagtutuunan ng pansin ni McCoy at saka na lang ang usaping puso.

Samantala, gagampanan ng aktor ang karakter na Kali sa D’Ninang.

“Isa po akong Criminology student dito at tagapayo at kaagapay ni Mikay (Kisses Delavin) at nagbo-boost sa kanya. Laging nandiyan kapag nada-down siya at ma-epal po ako rito, lagi akong nasasabihang epal kasi lagi po akong sumasagot (kay Ai Ai delas Alas).”

Mapapanood na ang D’Ninang sa Enero 22 at magkakaroon ng premiere night sa Enero 20 sa SM Megamall Cinema 1. Bukod kina McCoy at Ai Ai ay kasama rin sina Kisses, Angel Guardian, Kiray Celis at Lou Veloso mula sa direksyon ni GB Sampedro handog ng Regal Films.