BACK to work na si Alden Richards, pagkatapos ng one week vacation niya with his family, his dad, and sisters Riza and Angel, sa South Korea. Napasyalan nina Alden ang mga pamosong lugar doon tulad ng Nami Island in Chuncheon, South Korea, na sa kagandahan ng lugar, maraming drama series ng mga Koreanovela ay doon nagsu-shooting. Isa sa talagang hinangaang Koreanovela na shoot ang kabuuan ay ang “Winter Sonata.” At balitang preserved ang mga sets na iyon na ginawa nang tourist spots. Nakakatawa lang na kahit kumain sina Alden ng authentic Korean food, nakita rin sa kanilang Instagram story na pumasok din sila sa McDo food chain doon para kumain.

Alden Nami Island 122719

Anyways, nitong December 28 bumalik ng Pilipinas sina Alden, at nag-report na siya sa taping ng inspirational drama series niyang The Gift na patindi nang patindi ang mga revelations sa mga eksena. Matapos mag-guest si Smokey Manaloto sa serye, special guest naman ngayon si Epy Quizon as Uncle na inampon ni Sep (Alden) kahit taong grasa ito at hindi maayos ang pag-iisip. Sa kabila ng nakakakita na si Sep, nakakakita pa rin siya ng mga visions, at nang mahawakan niya si Uncle, nakita niya ang laging bukang bibig nito na “mga bata, nagugutom” na malamang white slavery na mabubuwag sa pamamagitan ni Sep. Inaabangan ng mga netizens kung sino pa ang maggi-guest sa “The Gift” na napapanood gabi-gabi sa GMA 7, pagkatapos ng Beautiful Justice.

Tutuloy din si Alden sa rehearsal mamayang gabi ng The Kapuso Countdown to 2020: The GMA New Year Special sa SM MOA, Seaside Boulevard, Pasay City, na magaganap ngayong December 31, 2019 simula ng 10:30 PM.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

-NORA V. CALDERON