SI Meryll Soriano pala ang dahilan kung bakit may cameo role si John Lloyd Cruz sa pelikulang Culion na entry ng iOptions Ventures Corp. sa 2019 Metro Manila Film Festival dahil sila ang magka-partner.

John Lloyd sa 'Culion'

Si Lloydie ay si Greg na kasintahan ni Ditas (Meryll) na naiwan sa lugar kung saan nanggaling ang dalaga at dinalaw siya sa Culion, pero hindi sila nagkausap o nagkalapit man lang dahil ipinagbawal ng guwardia dahil baka mahawa ang binata.

Palakpakan ang lahat ng nanood sa Black Carpet event kay JLC dahil kahit ilang minuto lang siyang lumabas sa pelikula na walang dayalogo pero napaiyak ng makita ang itsura ng babaeng minamahal ay tumatak ito sa lahat.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Grabe pa rin ang presence ng aktor at iisa ang sinabi ng lahat, “I miss John Lloyd in movies, sana bumalik na siya.”

Ayon kay Meryll, “Oo nga, I was very excited to be acting again with him because coming from Honor thy Father, na-miss ko siyang kasama sa screen, na-miss siya ng lahat at na-miss ko rin siya bilang kaibigan.

“Ako po ‘yung naglambing sa kanya (John Lloyd para mag-cameo) at saka ‘yung assistant director namin. Nilambing ko na gawin niya ‘yung role kaya masayang-masaya ako na pinagbigyan niya kami at nakakataba ng puso.”

Naikuwento rin ng aktres na napag-usapan nila ni Lloydie ang ilang projects na gusto nilang gawin, isulat at idirek, parang mga jamming-jamming lang.

Nabanggit dati ni Meryll sa grand presscon ng Culion na plano niyang magdirek ngayong 2020 at hango ito sa librong sinulat ni Brooke Shields (Down Came the Rain) na dumaranas ng depression.

Samantala, very proud ang aktres sa pelikula nilang Culion dahil naitawid ito ng maayos at suportahan ang lahat ng entries ngayong 2019 MMFF.

-REGGEE BONOAN