HINDI na kami nagulat sa tsika ng kilalang personalidad tungkol sa ugali ng isang beauty queen na hindi marunong bumati sa mga kasamahan nito.

Aksidenteng nai-tsika ng kilalang personalidad ang experience niya sa beauty queen, “may event kami kasama siya tapos nu’ng dumating hindi bumati, walang binati sa amin na co-performers niya maliban sa kumontak sa kanya.

“Ang sa amin lang na nadatnan niya sa holding area, ano ba naman ‘yung mag hello o mag good evening siya, ‘di ba? Malaking kabawasan ba iyon sa pagkatao niya?” sabi ng kilalang personalidad.

Oo nga, dapat pag beauty queen maganda ang PR nito. Teka sikat ba ito at kailan nito ire-represent ang bansang Pilipinas.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Ewan ko sa kanya, hindi ako interesado na ha ha ha, parang hindi naman siya matunog. Ewan hindi nga namin kilala, eh,” natawang sagot sa amin.

Ikalawang kuwentong narinig namin ito tungkol sa beauty queen nauna na ang tsika rin ng isa pang organizer na hindi nga marunong bumati o magbigay pugay ang dalaga.

“May pictorial for the events, hindi ngumingiti sa lahat. Parang mahal yata ang bayad niya pag ngumiti. Nandoon lang siya sa isang sulok, nagkakalikot ng cellphone niya. ‘Yun ang kinakausap niya the whole time na naghihintay siya,”kuwento sa amin.

Baka naman mahiyain si beauty queen, “hindi, madaldal nga, baka feeling niya ang ganda-ganda at sikat siya dahil sa pamilya niya.”

Hmm, oo nga, ang layo-layo ni beauty queen sa kaanak niyang naging beauty queen din.

“Di ba nga?” mabilis na sagot sa amin.

-Reggee Bonoan