Subic – Magsasalpukan ang mga koponan ng Myanmar at Indonesia para sa isang pasabog na sagupaan para sa gintong medalya sa sepak takraw men’s doubles sa pag-usad ng mga labanan sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na ginaganap sa Subic Gymnasium dito ganap na alas-3 ng hapon.
Habang ang Pilipinas naman ay tumapos ng bronze medal para sa nasabing event.
Kapwa nanaig sa kani-kanilang mga kalaban sa semis ang Myanmar at Indonesia kung saan sinamanltala nila nag pagkakataon na hindi nakapaglagay ng koponan ang defending champion na Thailand.
Nakapasok ang Myanmar matapos na biguin ang host na Pilipinas sa isang 2-1 panalo habang ang Indonesia naman ay nagwagi kontra Vietnam sa 2-0 panalo.
Sa modern pentathlon men’s division, nanaig ang mga Indonesians na sina Putri Dea Salsabila at Mohammed Taufik sa beach-laser run portion ng nasabing event upang masikwat nag gintong medalya na ginanap sa Subic Boardwalk dito.
Tumapos si Salsabila ng 15:23.59 habang si Taufik ay nagposte ng 13:03.24para pangunahan ang nasabing event, gayung ang pambato naman ng Pilipinas na si German Samuel ay tumapos ng 13:27.24 sa ikalawa, kahalili ang Singapore bet na si Ming Wei Ong na tumapos ng 13:34.28 sa ikatlong puwesto.
-Annie Abad