ANG Filipina actress na si Max Eigenmann ang nanalong Best Performance sa Asia Pacific Screen Awards sa Australia para sa pelikulang Verdict. Kasama sa acceptance speech nito ang “This is for you Philippines.”

Max

Sa kanyang Instagram (IG), itinuloy ang pagpapasalamat sa international acting award.

“Extremely proud to have represented our country at this year’s Asia Pacific Screen Awards (APSA). I am so grateful and deeply humbled to have been given the chance to be amongst such amazing creatives from many countries. Words cannot express how surprised and overwhelmed I am to win the Best Performance by an Actress award. I am beaming with joy knowing that I have made you all PROUD & HAPPY with this recognition.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sana maipalabas uli ang Verdict na kung saan, gumaganap si Max ng physically abused wife na dumanas ng sobrang pananakit mula sa kanyang asawa na ginagampanan ni Kristoffer Martin. Last movie ito ng aktor bago pumanaw.

Nakakaaliw basahin ang comments ng netizens sa pagkapanalo si Max, pinatunayan lang daw nito na magagaling talaga ang Eigenmann sa acting. May binanggit ang netizen na galing sa Eigenmann family na hindi pa masyadong nagpapamalas ng husay sa pag-arte.

-NITZ MIRALLES