SOBRANG ‘makati’ pala talaga ang dramatic actor na lahat ng aktres na nakakasama sa isang project ay nilalandi at kapag kumagat ay saka yayain mag-breaktime sa van niya.

May girlfriend ang dramatic actor na aktres din pero hindi masyadong sikat walang project na kaya siguro hindi nabibigyan dahil hindi naman marunong umarte.

Matagal na ang relasyon ni dramatic actor at ng syotang aktres pero laging sinasabi, ‘magkaibigan’ lang sila kahit maraming nakakaalam na.

Anyway, si dramatic actor ay malambing sa co-actors niya at bait-baitan ang drama at kapag napansin na okay ang nilalambing na aktres at medyo malalim na ang usapan nila ay saka niya yayain sa van para magpalamig tutal break-time naman nila sa set.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Sumama naman ang aktres at nagulat siya dahil bigla siyang hinalikan ng dramatic actor. Itinulak ng aktres ang aktor at saka sinabihang, “hindi porket sumama ako sa van mo payag ako sa gusto mo.”

Kawawa naman ang girlfriend ng dramatic actor dahil hindi loyal sa kanya.

-Reggee Bonoan