MAIHAHALINTULAD sa pamamayagpag ng University of the Philippines Figting Maroons ang pag-angat ng Palawan Pawnshop mula sa simpleng pawnshop hanggang maging money remittance network na kilala bilang Palawan Express Pera Padala.

para

Kaya hindi kataka-taka na kaakibat ang Palawan Express sa tinatamasang tagumpay ngayon ng Fighting Maroons.

Mula sa kabiguan at kawalan nang saya dulot ng mabibilang sa daliring crowd sa bawat laro ng Maroons sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), balik ang ningning ng UP matapos mapalaban sa championship match sa Ateneo – makalipas ang 32 taon -- sa Season 81.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ngayong season, tampok ang mga pamosong players na sina Kobe Paras at Ricci Rivero, balik ang sigla sa kampo ng Maroons na nakasungkit ng twice-to-beat advantage bilang No.2 seed sa stepladder semifinal series ngayong Season 82.

Hindi naging madali ang paglalakbay sa pedestal ng Maroons, subalit ang kagitingan at determinasyon at tiwala sa isa’t isa ang naging puhunan ng UP upang muling pumaibabaw sa kamalayan ng sambayanan.

“We would like to thank our sponsors like Palawan Express Pera Padala and the entire UP community. You guys don't know how much we appreciate each and every one of you and your presence at the games. I know what it's like to see the stands empty and I'm extremely grateful that now they are always full. Thank you for your help in and out of the games. We are grateful for your support,” pahayag ni UP Fighting Maroon Season 82 team captain Noah Webb.