Dear Manay Gina,
Nararamdaman kong kulang kami sa teamwork ng aking asawa.
Masyado siyang laid back at kulang sa motivation samantalang ako ay laging aktibo at mapursigi. Paano ko siya mahihikayat na maging masikap tulad ko para matupad ang aming pangarap? Pakiramdam ko kasi ay nag-iisa lamang ako sa pagpa-plano ng aming buhay at kulang ng suporta mula sa kanya.
May
Dear May,
People do change, but not very much—especially in the area of basic personality. Magkaiba ang inyong personalidad dahil ikaw ay eksaktong kabaligtaran ng iyong mister.
Gayunman, hindi ibig sabihin nito ay mali ang iyong asawa. May mga taong katulad niya, ang nagtatagumpay sa sarili nilang paraan.
Puwede mo siyang patuloy na himukin tungo sa iyong mga adhikain, subalit iwasan mong maging masyadong agresibo. There is a danger that the more you push, the more he’ll withdraw.
Subukan n’yo ring magkaroon ng kanya- kanyang goals at magsuportahan na lamang sa isa’t –isa. Sa ganitong paraan, magagawa n’yo ang gusto na walang sagabal, subalit nananatili pa rin ang pagkakaisa.
Sa halip na magkontrahan dahil sa magkaibang personalidad, pag-aralan mo ang kanyang ugali at mas pagtuunan ng pansin ang magandang epekto ng pagkakaroon niya ng ganyang personalidad.
Nagmamahal,
Manay Gina
“I am what is mine. Personality is the original personal
property.”--- Norman O. Brown
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia