NAGBABALIK si Jake Zyrus ( dating Charice Pempengco) para ipakilala ang kanyang mas pinahusay na sarili hindi lang bilang transman kundi bilang tunay na mang-aawit sa kanyang bagong album titled Evolution.

JAKE

Ipinagmamalaki ng album na binuo sa ilalim ng Star Music ang iba’t ibang kanta na siguradong papaangatin ang kakaibang abilidad ni Jake na makuha ang atensyon ng mga taga-pakinig.

Siyempre, nu’ng nakaraang taon, nang ilabas ni Jake ang kantang Diamond, ang unang single sa kanyang bagong album na inilarawan niya bilang kanyang “survival anthem.” Bukod dito, dapat din abangan ng mga fans ang iba pang orihinal na awitin sa album.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Bitbit ni Jake ang bagong kumpiyansa sa sarili dahil sa mas malalim niyang boses na maririnig sa pitong awitin ng kanyang new album. Patunay rin ito na ang talento niya sa pag-awit ay hindi mawawala kundi lalo pang gumagaling. Bahagi si Jake ng mahusay na grupo ng mang-aawit sa ilalim ng Star Music na kilalang tahanan ng marami sa mga pinaka-magagandang musika ng OPM mula sa pinaka-malaking media at entertainment company na ABS-CBN.

Samahan natin si Jake Zyrus sa pinakabago niyang album na Evolution at pakinggan ang mga awit nito sa digital stores.

-MERCY LEJARDE