Maikli pero markado ang role ni Jameson Blake as the resentful brother ni Alden Richards sa blockbuster movie na Hello Love Goodbye. He feel fortunate na mapasama sa cast ng isang magandang pelikula.

jameson blake

Ngayon muling mapapanood si Jameson sa isang mas mahabang exposure sa Ang Babaeng Allergic Sa Wi Fi. Isang romantic comedy mula sa cignal entertainment. Ngayon mapapanood na rin ito sa Netflix.

Produkto ng Pinoy Big Brother 2016 si Jameson at miyembro ng Hashtags na binansagang Kilig Ambassadors. Dala ng sulsol ng mag kaibigan kaya pinasok ng binata ang showbiz na nagbigay sa kanya ng oportunidad na madiskubre ang talent niya sa pagganap.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At 21 tinitimbang ni Jameson ang tamang hakbang para matupad ang kanyang pangarap. Thankful siya sa good projects na dumarating gaya ng Ang Babaeng Allergic Sa Wi Fi. Ang babaeng ay tungkol kay Norma (Sue Ramirez) na may electromagnetic hypersensitivity disorder or EHD. Dahil sa kapansanan ay naapektuhan ang pakikipagrelasyon sa kanyang boyfriend.

Samantala, naging biktima na ng social media si Jameson kaya naging maingat na siya sa pagpo-post at pagbibigay ng opinion. Sabi nga ni Pia Wurtsbach, “think before you click.” Ginagamit na lang ito ni Jameson when promoting a movie.

-REMY UMEREZ