NASA kabuuang 306 na magsasaka mula sa bayan ng Sto. Tomas sa Davao del Norte ang nakatanggap nitong Lunes ng tulong pinansiyal mula sa received Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC).

Pinangunahan ni Mayor Ernesto Evangelist lang pamamahagi ng mga tseke na nagkakahalaga ng P5 milyon sa isang seremonya na idinaos sa Municipal Agricultural Office (MAGRO), na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay at mga magsasaka.

Ayon kay Evangelista, ang tulong pinasyal para sa crop insurance coverage ay makatutulong sa mga magsasaka na makaahon sa negatibong pagbabago ng klima sa produksiyon ng palay.

“The money can be used by the farmers to rehabilitate their farms from the devastations caused by typhoons and severe flooding,”aniya.

Hinikayat naman ng alkalde ang mga magsasaka na kumuha ng serbisyo ng Department of Agriculture (DA), partikular sa teknikal na aspekto, upang mapaunlad ang kanilang ani.

Ayon kay Elmer Degorio pinuno ng MAGRO maaring makatanggap ang mga magsasaka ng benepisyo mula sa PCIC program bilang kompensasyon sa kanilang mga nasirang pananim.

Ayon kay Degorio, ang halaga na nakuha ng mga magsasaka ay nakadepende sa sukat ng taniman at pinsala ng bagyo.

“Each insurance covers a maximum of three hectares and we urged the farmers to pass a farm plan and budget,” ani Degorio.

PNA