Mula sa isang kaibigang Cebuano Fashion Designer na isa sa mga close friend ni Ellen Adarna, ay napag-alaman namin na tinapos na raw mismo ng semi-retired star ang relasyon niya sa actor na si John Lloyd Cruz. Kuwento pa sa amin ng source, wala raw namang eksaktong rason na ibinigay si Ellen sa kanila.

Ellen at John Llyod

Basta na lang daw nakipaghiwalay ang aktres sa actor. Pero dagdag pa ng source namin na bago raw ang hiwalayan ay may nabanggit daw si Ellen na nagsawa na raw ito sa relasyon na parang hindi na raw maganda ang takbo ng samahan nila ng actor.

Lahad pa rin ng kaibigang fashion designer na “sawain” daw talaga ang kaibigan niyang dating aktres. Banggit pa ng source namin na ang akala raw niya ay magtutuloy-tuloy na ang relasyon ng dalawa na sa pagkakaalam niya ay nasa plano na rin ang pagpapakasal ng dalawa sa isang simbahan sa Cebu.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Pero sey pa rin ng source namin na kahit seryoso raw si Ellen sa desisyong pakikipaghiwalay kay John Lloyd, pwede pa raw magbago ang desisyon nito, huh!

Well, isa kaya sa dahilan ng hiwalayan ay ang pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd? Hindi raw naman kasi pabor si Ellen na babalikan ng actor ang showbiz, huh!

-Jimi C. Escala