NAKOPO ng Team Pilipinas ang kampeonato sa Division 7 ng Singapore National Table Tennis League (SNTL) kamakailan sa Our Tampines Hub, Singapore.

IBINIDA ng TeamPhilippines, sa pangunguna ni Table Tennis president Ting Ledesma ang mga medalya matapos magwagi sa seniors Division ng Singapore League.

IBINIDA ng TeamPhilippines, sa pangunguna ni Table Tennis president Ting Ledesma ang mga medalya matapos magwagi sa seniors Division ng Singapore League.

Dinaig ng koponan ng Pilipinas na binubuo ng mga expats na Pinoy sa Lion City at ilan piling manlalaro sa bansa Team Singaporeans.

Pinangunahan ni Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma ang kampanya ng bansa sa torneo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"The tournament is the most participated event in Singapore. Over 1,200 players from all over Asia such as China, Japan, Korea, Taiwan, Indonesia, Myanmar, Malaysia, Vietnam have joined the tournament,” pahayag ni Ledesma sa TOPS ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes.

Binubuo ang Team Pilipinas Table Tennis nina Nestor Francisco(playing team manager), Hanzel Vicente Tane, Bryan Taguiga, Joselito Almasan, Christian Bernard Lector Garcia, Enrique Ibañez, Jeffrey Vidal, Rodel Calimlim, Gloria Belandres, Edgardo Bangga, Noel Cesar Atilano, Lauro Panredes Crisostomo at Ledesma.

Sa naturang usapang sports, nagpahayag din si Ledesma ng kanyang pasasalamat sa Philippine Sports Commision sa ayudang kaloob sa PTTFI partikular sa kanilang mga manlalaro na nage- ensayo ngayon sa bansang Korea bilang preparasyon para sa parating na 30th Southeast Asian Games Philippine 2019.