SA August 19 na ang pilot ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Prima Donnas na launching ng Kapuso teen stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo. Kasama rin sa cast sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili at Chanda Romero.

Glaiza

May special participation si Glaiza de Castro sa serye as the wife of Wendell. Sila ang gaganap sa role ng mag-asawang hindi magkaanak kaya kumuha sila ng babaeng magiging surrogate mother ng kanilang triplets.

Hindi pa namin alam kung ano ang nangyari sa karakter ni Glaiza, kung namatay ba siya o basta na lang nawala. Pero mawawala ang karakter niya dahil kailangan niyang lumipad pa-London para sa mag-aral sa music school doon sa loob ng tatlong buwan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-taping si Glaiza bago siya umalis at saka na lang siya bibigyan ng full teleserye sa kanyang pagbabalik. Ang sabi sa amin, may nakahanda ng project para sa aktres.

Anyway, ina-update ni Glaiza ang followers niya sa Instagram (IG) habang nasa London sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan na kuha sa mga pinupuntahan niyang lugar. Nagrereklamo lang ang followers ni Glaiza dahil matipid siyang mag-post ng photo nila ng Irish BF na si David Rainey dahil isang picture pa lang nilang magkasama ang kanyang nai-post. Kaya ang request sa aktres, magpakilig naman siya.

-NITZ MIRALLES